Sunday, March 16, 2008

Ang Sulat ng Mahal na Ama


Aking Anak…


Siguro hindi mo Ako kilala, pero alam ko ang lahat tungkol sa iyo
...Awit 139:1

Alam ko kapag ika'y nakaupo at kapag ika'y nakatayo...Awit 139:2

Alam ko ang lahat ng gawain mo...Awit 139:3

Maging ang mga buhok sa iyong ulo ay nabibilang...Mateo 10:29-31

Pagkat ika'y nilikha sa aking wangis...Genesis 1:27

Sa akin ika'y buhay, nakakakilos at ganap...Gawa 17:28

Pagkat ika'y nagbuhat sa akin...Gawa 17:28

Kilala na kita bago ka pa ipinaglihi...Jeremias 1:4-5

Hinirang kita nang balakin ko ang paglikha...Efeso 1:11-12

Hindi ka isang pagkakamali, sapagkat lahat ng araw mo'y nakasulat
sa aking aklat...Awit 139:15-16

Aking itinakda ang panahon ng 'yong pagsilang at saan ka maninirahan
...Gawa 17:26

Buong ingat at kamangha-mangha kang nilikha...Awit 139:14

Aking kang hinugis sa sinapupunan ng iyong ina...Awit 139:13

At iniluwal ka sa araw ng iyong pagsilang...Awit 71:6

Ako'y di wastong pinakilala ng mga hindi nakakikilala sa akin
...Juan 8:41-44

Hindi Ako malayo ni galit, sa halip Ako'y ganap na kapahayagan ng pag-ibig
...1 Juan 4:16

At nasa 'kong puspusin kita ng aking pag-ibig...1 Juan 3:1

Dahil ikaw ay aking anak at Ako ang iyong ama...1 Juan 3:1

Aking ihahandog sa iyo ang higit pa sa maaaring ibigay ng iyong ama sa lupa
...Mateo 7:11

Dahil Ako ang ganap na ama...Mateo 5:48

Lahat ng mabuting kaloob na iyong tinatanggap ay galing sa aking kamay
...Santiago 1:17

Pagkat Ako ang nagkakaloob at nagbibigay ng lahat ng iyong pangangailangan
...Mateo 6:31-33

Aking plano para sa iyong kinabukasan ay laging puspos ng pag-asa
...Jeremias 29:11

Dahil minamahal kita ng pag-ibig na walang hanggan...Jeremias 31:3

Ang aking isipan patungkol sa iyo ay sindami ng buhangin sa dalampasigan
...Awit 139:17-18

At Ako'y masayang aawit sa iyo ng may kagalakan...Sofonias 3:17

Hindi Ako titigil sa paggawa ng mabuti sa'yo...Jeremias 32:40

Dahil ikaw ang aking pinakamamahal na kayamanan...Exodo 19:5

Aking nais na patatagin ka ng buong puso't kaluluwa ko...Jeremias 32:41

At nais kong ipahayag sa iyo ang mga dakila't mahihiwagang bagay
...Jeremias 33:3

Kung Ako'y buong puso mong hahanapin, Ako'y iyong masusumpungan
...Deuteronomio 4:29

Hanapin mo sa akin ang iyong kaligahayan at aking ibibigay ang
mga naisin ng iyong puso...Awit 37:4

Pagkat Ako ang nagbigay ng iyong mga naisin...Filipos 2:13

Ako'y makagagawa ng higit sa iyong iniisip...Efeso 3:20

Dahil Ako ang iyong dakilang mang-aaliw...2 Tesalonica 2:16-17

Ako din ang Ama na aaliw sa iyo sa lahat ng kapighatian...2 Corinto 1:3-4

Kapag ika'y bigo, Ako'y malapit sa iyo...Awit 34:18

Tulad ng pagkanlong ng pastol sa isang tupa, Kinanlong kita sa aking puso
...Isaias 40:11

Isang araw papahirin ko ang bawat luha sa iyong mga mata
...Pahayag 21:3-4

At aking papawiin ang lahat ng hirap na iyong dinanas sa mundong ito
...Pahayag 21:3-4

Ako ang iyong Ama, at iniibig kita gaya ng aking pag-ibig sa aking anak
na si Jesus...Juan 17:23

Pagkat kay Jesus, ang pag-ibig ko sa iyo ay nahayag...Juan 17:26

Siya ang ganap na sinag ng aking pagka Diyos...Hebreo 1:3

Siya ay dumating upang ipakita na Ako ay panig sa iyo, at hindi
laban sa iyo...Roma 8:31

At upang sabihin sa iyo na hindi ko binibilang ang iyong mga kasalanan
...2 Corinto 5:18-19

Si Jesus ay namatay upang ikaw at Ako ay magkasundo...2 Corinto 5:18-19

Ang kanyang kamatayan ay naging ganap na kapahayagan ng
aking pag-ibig sa iyo...1 Juan 4:10

Aking isinuko ang lahat ng aking iniibig upang makamit ang iyong pag-ibig
...Roma 8:31-32

Kung iyong tatanggapin ang kaloob ng aking anak na si Jesus,
tinanggap mo rin Ako...1 Juan 2:23

At wala nang makapaghihiwalay sa iyo sa aking pag-ibig...Roma 8:38-39

Umuwi ka na sa akin at Ako'y magbibigay ng pinakamalaking handaan
na makikita sa langit...Lucas 15:7

Ako ang Ama sa pasimula pa, at mananatiling Ama...Efeso 3:14-15

Ang tanong ko ay…Maaari ba kitang maging anak?...Juan 1:12-13

Ako ay naghihintay sa iyo...Lucas 15:11-32

Nagmamahal,

Iyong Tatay.
Makapangyarihang Diyos


"Father's Love Letter Used By Permission Father Heart Communications
Copyright 1999-2003 Translated by Luther Jeremiah G. Oconer

0 comments: